Aired (September 13, 2025): Lumubog ang kabuhayan ni Irish, isang tindera sa Botocan, Quezon City, matapos pasukin ng baha ang kanyang tindahan at malunod ang mga paninda. Tinatalang nasa mahigit ₱30,000 ang nalugi sa kanya.

Ilang kilometro lang ang layo mula sa lugar ni Irish, may flood control project na mahigit ₱96 milyon ang inilaan na pondo—pero ayon sa lokal na pamahalaan, itinayo ito sa lugar na bawal tayuan ng kahit anong istruktura.

Kung may mga proyektong ganito, bakit patuloy pa rin ang pagbaha? At kapag nalulunod sa baha ang kabuhayan ng mga katulad ni Irish, sino ang dapat panagutin?

Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook #FloodControlProjects